Lunes, Nobyembre 30, 2015

Ang Kuwento:

Magagawa pa bang baguhin ng tao ang mga pangyayari sa kanyang buhay kung ito ang nakasaad sa kaniyang kapalaran? Sa paanong paraan kaya siya magiging malaya?

Si Zal, na isang alipin ay nagsilang ng isang sanggol na lalaki. May maayos na pag-uugali siya tulad ni Saum na isang bayani at pinangalanan ito ni Zal ng Shugdad. Sinangguni niya ang mga Mubids ukol sa balita, inalam ng mga ito sa pamamagitan ng mga bituin kung ano ang magiging kapalaran nito. Lumitaw na ang bata ay gagawa ng maraming kasamaan sa bahay ng ama at pabababain ang dangal ng lahi ni bayani Saum na anak na lalaki ni Neriman. Nang marinig ni Zal ang mga bagay na ito, siya ay lubhang nagiyagis. Dadalangin siya sa Diyos na nawa'y hindi magkatotoo ang ganoong lihis na kapalaran ng anak, manapa'y ang pag-iisip nito ang maging tama. Ipinadala niya ito sa Cabul nang ito'y maging ganap na matikas na binata. Ang hari ng Cabul ay nagalak sa harap ng bayani. Nang ilapit sa kaniya ang binata ibinigay niya ang anak na babae uapng maging kabiyak nito.

Nagkaloob ang hari ng Cabul ng tributo kay Rustem bilang kabayaran sa pagiging alipin at labis siyang nalungkot sa ginawa niyang ito dahil kinuha niya si Shugdad bilang anak at naisip niya na naayon laman na kumawala siya sa kaniyang mga pasanin.

Nagsalita siya kay Shugdad at sinabi kung bakit hindi na nagreklamo pa si Rustem. Sumagot si Shugdad at sinabing, "Sira ulo ang lalaking ito. Ang mahalaga ay siya ba ay aking kapatid o isang estranghero, pag-aaralan natin kung papaano siya malilinlang."

Kaya si Shugdad at ang hari ng Cabul ay buong gabing nagnilay kung paano nila mawawasak si Rustem at sinabi ni Shugdad sa hari na tatawagin niyang lahat ang kaniyang mga magagalang at magigiting na tauhan para sa isang kasayahan. Kapag ang mga ito ay lasing na sa alak ay pagsalitaan mo ng nakaiinsultong mga pahayag at ako ay magagalit at kakampihan ako ng mga Zaboulista. Dahil sa awa nila sa akin, siguradong ipaghihiganti nila ako laban kay Rustem. Habang wala ako, humukay ng napakalalim na butas sa lupa na daanan ni Rustem at ito ang lalamon sa kanya at kay Rakush na kanyang kabayo.

Nakahanay sa gilid ng bangin ang matutulis na pana, mga espada, at mahahabang sibat. Kapag naisagawa na ang lahat, ibabaon siya at tatabunan ng lupa at walang sinuman ang makaalam ng nangyari. Kahit bulong sa buwan ay huwag na huwag mong ipapaalam.

Sinabi ng hari, "Ang iyong paraan ay magaling." Naghanda siya ng malaking pagdiriwang. Tinawag niya ang kaniyang mga sundalo at siya nga ay nagwika ng mga pahayag na nakaiinsulto kay Shugdad. Sinisi siya at sinabing hindi siya kalahi ni Saum kundi anak mula sa isang alipin. Sinabi niya na itatanggi ni Rudabeh na siya ay kapatid ng nagngangalang Rustem.

Kinausap niya nang mahinahon si Rustem, si Shugdad naman ay nagkunwaring nagagalit nga at sumumpang makikiisa sa mga Zaboulistan at hihingi ng tulong kay Rustem upang ipaghiganti ang mga salitang binitawan ng hari sa kaniya.

Nang makarating si Shugdad na hukuman ni Zal, sinabi niya kay Rustem ang mga mapanglait na salitang sinabi sa kaniya ng hari. Habang kalapit niya ito ay galit na galit si Rustem at nagwikang, "Ako'y magiging mahinahon sa paghihiganti laban sa mga salitang binitawa niya sa akin."

Pumili siya ng mga kawal at pinaghanda ang mga ito patungoong Cabul, subalit sinabi ni Shugdad, "Bakit magsusugo ka ng malaking bilang ng kawal?"

"Siguradong susundin ka sa Cabul kapag nakita nila ang mukha mo. Ang mga sundalong ito ay magiging daan para mag-isip pa ang hari na siya ang iyong kaaway na hindi mo man lamang isinasaalang-alang siya." Sumang-ayon si Rustem at sa halip na kawal ay nagsama na lamang ng ilang tauhan patungong Cabul.

Sa kalagitnaang panahon ay nakapaghanda na ang hari ng Cabul ayon sa ipinag-utos ni Shugdad at ang lupa ay maayos at lihim na nahukay. Nang dumating na si Rustem sa lunsod, nagpadala siya ng mensahero kay Rustem sa pamamagitan ng hari ng Cabul na nagsasaad na, "Si Rustem ay nagbalik laban sa iyo at hinihiling na humingi ka ng paumanhin sa mga salitang sinabi mo sa kniya."

Dumating ang hari na ang dila ay puno ng tamis tulad ng pulot subalit ang puso naman ay puno ng lason ng kapaitan. SIya ay yumukod sa abo sa harap ni Rustem at humingi ng patawad sa kaniyang mga nasabi. Ayon sa hari ng Cabul huwag damdamin masyado ni Rustem ang kaniyang mga sinabi dahil siya ay lasing noon sa alak. Agad namang ipinagkaloob ni Rustem ang kapatawaran at nakiusap na siyang ituring silang kaniyang panauhin.

Isang magarbong handaan ang idinaos, at habang sila ay nagkakasayahan ay naikuwento ng hari kay Rustem kung paano ang kaniyang kagubatan ay punong-puno ng mga bisiro at mga lalaking tupa. Inaanyayahan niya itong sumama sa kaniyang mangaso muna bago ito bumalik sa Zaboulistan.

Ang mga sinabing ito ng hari ay labis na kagalakan sa pandinig ni Rustem, at sumang-ayon siya sa naisin ng hari. Kinabukasan, naghanda na ang hari para sa isang magandang pangangaso at nilanddas nila ang daan kung saan naroon ang balon na nakatago.

Si Shugdad ay tumakbo sa tabi ng kabayo ni Rustem, at itinuro ang daa. Ngunit nang maamoy ni Rakush ang amoy ng lupa ay bumago ng daan, at tumutol na magpatuloy sa daraanan. Pinilit ni Rustem ba sundin ang alagang kabayo ang kanyang utos na magpatuloy ito sa paglalakad. Hindi rin siya sinunod ng kabayo. Nagalit si Rustem nang makita niyang waring natatakot ang kabayo gayunpaman ay di pa rin niya napilit ang kabayo na magpatuloy na taluntunin ang daraanan. Dahil dito, napilitan siyang paluin at saktan ang kaniyang kabayo na kahit minsan ay di niya ito napagbuhatan ng kamay na bagay na di pa niya nagawa sa alaga. Masyadong nalungkot si Rakush sa nangyari sa kaniya at sinunod na lamang ang utos ng amo na magpatuloy hanggang sa mahulog nga ang amo sa patibong.

Ang mga matutulis ngang sibat ay bumaon sa katawan ni Rustem at nagkalasulasog ang mga ito maging ang kaniyang mga laman, at ang nakasakay at ang kabayo ay bumagsak sa mga bakal na naglagay sa kanila sa tiyak na kamatayan na nagawang itago ng hari. Nagawang makaahon ni Rustem sa kinahulugang bangin sa pamamagitan n kaniyang lakas subalit nakaramdam siya ng panghihina at agad ding nabuwal sa gilid ng bangin at siya ay nanaghoy at tumangis.


Nang magbalik ang ulirat ni Rustem ay nakita niya si Shugdad na nakaguhit sa mukha ang labis na kaligayahan tulad ng isang masamang tao na natutuwa sa ganitong pangyayari. Nalaman din niya na ang kaniyang kalaban ay ang sariling kapatid. Tinanong niya ang kapatidd, "Ikaw ba ang gumawa nito?"

Kaagad na sumagot si Shugdad, "Ikaw ang dahilan kung bakit marami ang nasawi sa espada; at dapat na harapin mo lamang ang kamatayan ng iyong sarili."

Habang sila ay nag-uusap ay dumating ang hari ng Cabul. Nang makita niya si Rustem na naliligo sa sariling dugo ay nakaramdam siya ng labis na pagkaawa, at siya'y nanaghoy, "O bayaning hindi kinikilala, anong nagpabagsak sa iyo? Aking isusugo ang aking mga manggagamot upang ikaw ay gamutin."

WInika ni Rustem, "Wala ng panahon ang mga manggagamot at wala ng sinuman ang maaaring makapagpagaling sa akin, iligtas mo na lamang sa kamatayan ang mga taong susunod sa akin."

Sinabi rin niya kay Shugdad, "Ibigay mo sa akin ang aking sibat, at lagyan mo yaon ng dalawang pana at huwag mo sanang tutulan ang aking huling kahilingan. Ibig kong kalapit yaon kundi baka ang mga leon ay dumating kapag patay na ako at siluin nila at gawing pagkain."

Iniabot ni Shugdad ang sibat at pana kay Rustem na natatakot, at tumakbo ito sa isang punong malapit sa kaniya.Ang punod ay matanda na at itinago roon ni Shugdad ang kaniyang sarili. Natatanaw pa rin ni Rustem ang pinagtataguan ni Shugdad kahit aninag na lamang niya ito dahil nag-aagaw dilim na ang kaniyang mga mata sa kamatayan.

Pnilit niyang bumangon sa kinararatayan kahit labis ang nadaramang sakit at hirap, kinuha ang sibat at buong lakas na itinudla sa puno kung saan nagtatago si Shugdad. Ang layunin niya ay tama lamang sa isang masamang taong tulad niya sa karapat-dapat lamang na mamatay. At nang makita niya ito siya ay napangiti at nagwikang, "Salamat sa Panginoon, ang Maawain, na sa aking panahon ay wala akong inisip kundi ang siya ay mapaglingkuran, na pinagkalooban pa ako ng oras na maipagtanggol ang aking sarili sa kasamaan habang ako ay may hininga pa, dumaan pa ng dalawang gabi bago ang paghihiganting ito."

Matapos niyang usalin ang mga salitang ito ay nawalan na siya ng hininga, at ang bayani na nabuhay na dakila ay lumisan na sa daigdig na ito. Inilulan si Rustem ng kaniyang kawal sa napakabilis na takbo ng tren patungo sa Zaboulistan, at inilahad kay Zal na nanangis sa nangyari.

Si Zal ay di makapaniwala at gayun na lamang ang kanyang pananangis nang walang patid sa kaniyang anak at nagsalita siya ng mga sumpa laban kay Shugdad, na nagpahinto sa lahing bughaw. At sinabi ni Zal, "Ako ba ay hinahayaang maghirap na masilayan ang araw na ito? Hindi ba ako'y parang pinatay na rin sa sinapit na kamatayan ng aking anak na si Rustem? At ako ba ay nag-iisang naglulukdsa sa kaniyang alaala?"

Habang siya ay nananaghoy, si Feramorz, na anak ni Rustem ay tinipon lahat ng kawal upang ipaghiganti ang kanyang ama. Nagtungo siya sa Cabul at pinadapa ang lahat ng taong kanyang naraanan doon at pinatay ang hari at kasambahay nito. Ginawa niyang disyerto ang lahat ng lupain nito. Nang maisagawa na niyang lahat ito, hinanap niya at kinuha ang bangkay ng ama gayundin ang kabayo nitong si Rakush at binigyan ito ng parangal at ang lahat ay namighati para sa Zaboulistan.

Ipinagpatayo ni Zal ang kaniyang anak na si Rustem ng marangal na libingan sa kalapit na libingan ni Rakush, ang kabayong naglingkod kay Rustem hanggang sa wakas. Ang pananaghoy sa buong kalupaan dahil sa kamatayan ni Rustem ay walang kasinkatulad. SI Zal ay unti-unting inilugmok ng kalungkutan gayundin si Rudabeh na namimighati pa rin. Sa maraming nagdaang kabilugan ng buwan, ang katahimikan ay patuloy na naghahari at maririnig hanggang sa hukuman ni Seistan.

Si Rudabeh ay hindi naaliw bagkus ay nanangis nang walang patid, "Nawala siya sa amin subalit kami ay susunod, ilagak natin ang ating pagtitiwala sa Diyos." Ipinagkaloob niya sa mga dukha ang kaniyang mga kayamanan, araw-araw siyang nanalangin para kay Ormuzd, na nagsasabing. "Ikaw na nanahan sa kaitaasan, na para lamang sa iyo ang karangalan at kapurihan, pakalinisin mo po ang kaluluwa ni Rustem sa kaniyang mga kasalanan, at ipagkalooban mo po rin siya ng malapit na lugar sa iyo."

Nawa'y ang pagpapala ng Panginoon ay mapasa lahat ng tao. Aking naisalaysay sa kanila ang epiko ng mga hari, at ang epiko ng mga hari ay nalalapit na, at ang kuwento ukol sa kanilang mga nagawa ay nagwakas na.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento