Lunes, Nobyembre 30, 2015

Reaksiyon at Pananaw (sa paraan ng pagpatay kay Rustem) 

  • Masyadong brutal yung nangyari sa kung paano siya nahulog dun sa bangin; Sa palagay ko ay naging brutal kasi naging exagge yung description nung akda: "Ang mga matutulis ngang sibat ay bumaon sa katawan ni Rustem at nagkalasug-lasog ang mga ito maging ang kaniyang mga laman,"

    Sinabi doon na nakalasug-lasog daw, kung lasog-lasog yung katawan ni Rustem edi sana hindi na siya naka-alis dun.
  • Naaawa ako sa nangyari kay Rustem. Yung taong pinagkaliwalaan niya(si Shugdad) yun pa yung papatay sa kanya. At saka niya lang nalaman na kapatid niya pala yun nung mamamatay na siya. Ang saklap. Kadugo mo pa yung papatay sayo. Akala ko pa naman, "Blood is thicker than water." Pero wala na tayong magagawa dun kasi yun yung gusto ng may akda.
    Mabuti pa yung Hari ng Cabul, nung nakita niya si Rustem na nag-aagaw buhay at naliligo sa sariling dugo naawa siya. Gusto niya pa ngang ipagamot eh, kaso tumangi na lang si Rustem kas alam niyang wala nang pag-asa na mabuhay pa siya.
  • Hindi makatarungan yung pagpatay kay Rustem. Kasi napaka babaw ng dahilan kung bakit siya gustong patayin.
  • Sana sa ibang paraan na lang pinatay si Rustem. Sana pinatay na lang siya sa paraan na hindi dumadanak ang dugo.
    Halimbawa,
    Pinainom na lang sana siya ng inumin na may lason.

    Pero mas better kung hindi na lang siya pinatay :) (nasa 3rd bullet ang dahilan ko kung bakit 'sana hindi na lang siya pinatay')


Paano nga ba maiiwasan ang ganitong pangyayari? 

  • Kung mayroong masamang paghihinala sa isang tao, dapat alamin kung totoo nga ba ito o hindi. Hindi yung nagpapadalos-dalos sa mga desisyon na sugurin agad yung taong yun. Kagaya ng naging pasiya ni Shugdad at nung Hari, gusto nila agad patayin si Rustem. . hindi man lang nila inalam yung totoo. 
  • Siguro may inggit si Shugdad kay Rustem kaya gusto niya mawala agad ito sa mundong ibabaw. Hindi din maganda yung ganoong pag-uugali. Hindi dapat tayo mamuhay sa pagkaingit sa ibang tao. Kasi wala naman itong maidudulot sa atin na maganda.

    Yung ingit, mararamdaman natin yan kung hindi tayo magiging kuntento sa kung ano ang meron tayo. Kaya ang payo ko, maging kuntento na lang tayo sa mga bagay na tinatamasa natin ngayon.
  • Tungkol naman sa paglapastangan sa buhay ng tao.
    Kung may balak ka, huwag mo na ituloy. Dahil ang taong may matinong pag-iisip hindi makakayang pumatay ng kapwa niya tao; o di kaya ay madungisan ang sarili niyang mga kamay sa pagpatay ng tao.

    Alam naman nating lahat na labag sa Batas na Moral ang pagpatay sa kapwa.
    At ayon din sa Biblia sa Exodus 20:13 "You shall not murder." NIV version.
  • Sa pagtitiwala naman sa tao.
    Hindi lahat ng taong pinagkakatiwalaan natin ay pinagkakatiwalaan din tayo pabalik.
    Kagaya ni Shugdad at ni Rustem. Si Rustem may tiwala at naniniwala siya kay Shugdad, pero si Shugdad wala man lang ni isang bahid na pagtitiwala ang mayroon siya para kay Rustem. . diba nga gusto niya pa itong patayin.

    Ang payo ko, kung magtitiwala ka siguraduhin mong talagang may tiwala din siya sayo.
    Saka dapat hindi mo binibigay ang buong pagtitiwala mo, okay lang na magkaroon ng konting doubt pero huwag naman yung sobrang OA na doubt na kahit maliliit na bagay pinaghinalaan mo na. Magiging sigurado ka lang sa pagtitiwala mo kung talagang pinapakita niya na mapagkakatiwalaan siya. Tandaan, "Trust is gained; Loyalty is returned."





Performance Task of:
J. Ilano
J. Sombol

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento